Corporal punishmemt nakatakda nang isalang sa bicameral conference committee
Nakatakda nang isalang sa bicameral conference committee ang panukalang batas na nagbabawal ng corporal punishmemt o pananakit at pagpaparusa sa mga kabataan bilang paraan ng pagdidisiplina.
Pasado na sa kamara at senado ang positive and non violent discipline of children na layong protektahan ang mga kabataan laban sa anumang uri ng physical o mental violence.
Sinabi ni senador Risa Hontiveros, isa sa mga author at chairperson ng senate committee on women, children and gender equality na lumilitaw sa survey ng pulse asia na 66 percent ng mga magulang ang gumagamit ng corporal punishment bilang paraan ng paggdisiplina.
Katunayan, sa 2016 national baseline study ng violence against children, ang pagpaparusa sa mga bata sa eskwelahan o tahanan ay isa sa mga itinuturing na batayan ng violence against children kung saan 33 percent na ng mga kabataan ang apektado.
Sa panukala, mahigpit na ipagbabawal ang pamamalo, pagsipa o pananampal o anumang uri ng pananakit sa anumang parte ng katawan ng mga bata gamit ang anumang instrumento gaya ng walis o sinturon.
Kasama sa ipinagbabawal ang pagpaparusa sa mga kabataan sa mga eskwelahan, at iba pang institusyon gaya ng juvenile welfare system.
Ulat ni Meanne Corvera