Correctional Institution for Women kasama sa mga kulungan na bawal munang tumanggap ng bisita kasunod ng pagpapatuloy ng drug trade sa Bilibid
Nilinaw ng DOJ na kasama ang Correctional Institution for Women sa mga penal colonies sa bansa na bawal munang tumanggap ng bisita kasunod ng direktiba ni Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon.
Kinansela ni Faeldon ang visitation at recreational activities ng mga inmates sa mga penal colonies sa buong bansa kasunod ng pagpapatuloy ng pagpasok ng kontrabando at drug transaction lalo na sa New Bilibid Prisons.
Sinabi ni Justice Undersecretary at DOJ spokesperson Markk Perete na kabilang ang Women’s correctional sa hindi maaring tumanggap ng bisita.
Layunin anya ng pagkansela ng pribilehiyo na malinis ang kulungan at hindi samantalahin ng sindikato ang mga kababaihan.
Ayon sa opisyal, indefinite ang itatagal o hindi pa tiyak ang petsa kung hanggang kailan ipatutupad ang direktiba.
Tuwing araw ng Miyerkules hanggang Linggo ang pagtanggap ng dalaw sa mga piitan sa bansa.
Ulat ni Moira Encina