Cotabato, isinailalim sa state of calamity dahil sa pagbaha
Isinailalim na sa state of calamity ang Lungsod ng Cotabato dahil sa matinding nararanasang pagbaha.
Ito’y matapos magkasundo ang mga lokal na opisyal sa Cotabato City sa pangunguna ni Mayor Attorney Cynthia Guiani Sayadi at City Disaster Risk Reduction and Management Council para agad magamit ang calamity fund na tulong sa mga biktima na sinalanta ng baha.
Sa ngayon umaabot na sa 25 barangay sa Lungsod ng Cotabato ang lubog sa baha dahil sa pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao bunsod ng malakas na buhos ng ulan at bumarang water hyacinth sa ilog.
Ang mga pamilyang lumikas sa baha ay agad binigyan ng tulong ng City-Local Government Unit.