Court Admin Jose Midas Marquez, bagong associate justice ng Korte Suprema— Malacañang
Kinumpirma ng Palasyo na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court Administrator Jose Midas Marquez bilang bagong associate justice ng Korte Suprema
Ang kumpirmasyon ay mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Pinalitan ni Marquez sa posisyon si Associate Justice Egardo Delos Santos na nagretiro noong Hunyo.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang Korte Suprema sa appointment ni Marquez.
Sinimulan ni Marquez ang kanyang karera sa SC noong 1991 bilang summer apprentice habang nasa law school pa ito.
Kalaunan ay naging regular law clerk ito ng ilang mahistrado ng SC hanggang sa maging Court Administrator.
Nahirang din siyang tagapagsalita ng Korte Suprema at chief of staff ng Office of the Chief Justice.
Nagtapos ng kursong Economics si Marquez noong 1987 at Juris Doctor Degree noong 1993 sa parehong Ateneo de Manila University.
Nakapasa sa bar examinations si Marquez noong 1994.
Moira Encina