Court Administrator Jose Midas Marquez, idinepensa ang kaniyang sarili laban sa mga paratang at tumututol sa kanyang aplikasyon sa pagka-Associate Justice ng Korte Suprema

Pinasinungalingan  ni Court Administrator Jose Midas Marquez ang mga paratang sa inihaing oposisyon  laban sa kanyang aplikasyon sa pagka-Associate Justice ng Korte Suprema.

Si Marquez ay inakusahan ng isang private citizen sa JBC ng paglabag sa Anti- Graft and Corrupt Practices Act at sa Lawyers Code of Professional Responsibility kaugnay sa 21.9 million dollar World Bank loan para sa Judicial Reform Support Project.

Pero iginiit ni Marquez, lumang isyu at mali ang reklamo dahil sa hindi naman dumaan sa kanya o sa kanyang tanggapan ang World Bank project dahil ito ay nasa ilalim ng Project Management Office ng Korte Suprema.

Lumalabas na balewala na rin ang inihaing oposisyon dahil pasok na si Marquez sa shortlist ng SC en banc para sa mga nominado sa pwestong babakantehin ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr na magreretiro sa Agosto.

Nakakuha si Marquez ng ikalawa sa pinakamaraming boto mula sa mga mahistrado ng Supreme Court.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *