Court Administrator Jose Midas Marquez, itinalaga bilang tagapagsalita ng Supreme Court
Inanunsyo ni Chief Justice Lucas Bersamin na itinalaga niya si Court Administrator Jose Midas Marquez bilang tagapagsalita ng Korte Suprema.
Si Marquez ang dating spokesperson ng SC noong panahon nina dating Chief Justices Reynato Puno at Renato Corona.
Naniniwala si Bersamin na malaki ang maitutulong ni Marquez para ma-varnished o mapaganda ang image ng Supreme Court at ng hudikatura.
Tinanggap naman ainya ni Marquez na muling maging spokesperson ng Korte Suprema.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: