Court of Appeals ibinasura ang petition for bail ni Zaldy Ampatuan kaugnay sa Maguindanao Massacre case
Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na makapagpiyansa kaugnay sa Maguindanao Massacre case dahil sa kawalan ng merito.
Sa 23-pahinang desisyon ng CA Special 8th Division, pinagtibay nito ang pagbasura ni Quezon City RTC Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes sa bail petition ni Ampatuan.
Walang nakitang grave abuse of discretion ang appellate court sa naging pagbasura ni Reyes petition for bail ng akusado.
Ayon pa sa CA, ang denial ng QC RTC Judge sa petisyon ni Ampatuan ay resulta ng masusing pag-aaral nito sa ebidensyang ipinirisinta sa korte ng DOJ.
Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Marie Christine Azcarraga- Jacon at kinatigan naman nina Associate Justices Samuel Gaerlan at Ramon Paul Hernando.
Ulat ni Moira Encina