Court of Appeals Justice Ramon Paul Hernando itinalaga bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema
Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong associate justice ng Korte Suprema.
Ito ay si Court of Appeals Justice Ramon Paul Hernando na papalit kay dating Associate Justice at ngayo’y Ombudsman Samuel Martires.
Nagtapos si Hernando ng abogasya sa Ateneo Law School.
Nagsimula si Hernando bilang state prosecutor sa DOJ sa loob ng limang taon bago mahirang na Presiding Judge ng Quezon City RTC at Presiding Judge ng San Pablo, Laguna RTC.
Walong taon naman siya na mahistrado ng appellate court matapos na maitalaga noong 2010.
Kilala si Hernando sa pagkakaroon ng zero backlog ng kaso o sa mabilis na pagresolba ng mga kaso.
Si Hernando na 52 anyos ay magsisilbing mahistrado ng Supreme Court sa loob ng 18 taon bago magretiro sa edad na 70 taong gulang.
Ulat ni Moira Encina