Court of Appeals Justice Ricardo Rosario itinalaga bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema
May napili ng bagong mahistrado ng Korte Suprema si Pangulong Duterte
Ito ay si Court of Appeals Associate Justice Ricardo Rosario.
Itinalaga si Rosario kapalit ni retired Supreme Court Justice Jose Reyes Jr. na bumaba sa posisyon noong Setyembre.
Bago mahirang sa Korte Suprema, nagsilbi si Rosario bilang mahistrado ng Court of Appeals mula 2005, hukom ng Manila Metropolitan Trial Court at Makati City Regional Trial Court, at piskal sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Naging Legal Officer din siya ng NBI at Senior Corporate Attorney ng MWSS.
Nagtapos si Rosario ng abogasya sa Ateneo de Manila College of Law at Political Science sa Far Eastern University.
Moira Encina