Court of Appeals kinatigan ang pagsibak kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog dahil sa sinasabing nakaw na yaman nito
Pinagtibay ng Court of Appeals ang kautusan ng Office of the Ombudsman na sibakin sa serbisyo si Iloilo City Mayor Jed Mabilog dahil sa sinasabing nakaw na yaman nito.
Sa resolusyon ng CA Former Special 16th Division, nanindigan ito sa nauna itong ruling noong August 2018 na ibasura ang petisyon ni Mabilog na ipatigil ang implementasyon ng kautusan ng Ombudsman.
Ibinasura ng CA ang motion for reconsideration ni Mabilog dahil sa kabiguan nito na magprisinta ng mga bagong argumento para mabaligtad ang nauna nilang desisyon.
Ang desisyon ng Ombudsman ay nag-ugat sa reklamong inihain ni Michael Mejorada kung iainama nito ang 2013 SALN ni Mabilog na nagpapakita na tumaas sa 8.98 million pesos ang yaman nito.
Ulat ni Moira Encina