Court stenographer sinibak ng Korte Suprema dahil sa pamemeke ng desisyon sa annulment of marriage
Sinibak sa serbisyo ng Korte Suprema ang isang court stenographer dahil sa pamemeke ng desisyon sa annulment ng kasal ng miyembro ng Philippine Coast Guard.
Sa anim na pahinang per curiam decision, napatunayang guilty ng Supreme Court si Cesar C. Calpo, Court Stenographer III ng Cavite City Regional Trial Court Branch 16 sa kasong grave misconduct at serious dishonesty.
Kaugnay nito, ipinagutos din ng Korte Suprema na ipawalang-bisa ang lahat ng benepisyo ni Calpo maliban sa mga naipong leave credits nito.
Hindi na rin maaring magtrabaho si Calpo sa iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ang kaso laban sa court stenographer ay inihain ni PCG member Zenmond D. Duque.
Ayon sa complainant, boluntaryong inalok sa kanya ni Calpo ang serbisyo nito noong 2010 para ma-annul ang kasal nito sa halagang 150 thousand pesos na babayaran sa tatlong equal installment.
Pagkalipas ng isang taon ay binigyan si Duque ni Calpo ng desisyon na sinasabing ipinalabas ni Executive Judge Perla V. Cabrera-Faller ng Dasmariñas, Cavite Regional Trial Court Branch 90 na nagpapatibay sa annulment ng kasal nito.
Pero nabatid ni Duque na walang ipinalabas na desisyon ang hukom at pineke lamang ang lagda nito.
“Calpo’s actuations clearly demonstrate an intent to violate the law or a persistent disregard of well-known rules. Respondent deceived complainant into believing he had the power to obtain an annulment order in complainant’s favor. Receiving money from complainant, on the consideration that he can obtain a favorable decision from the court, falsifying a court decision, and forging the signature of the trial judge, undeniably constitute grave misconduct and serious dishonesty,”
Ulat ni Moira Encina