Courtesy resignation ng 3 DOJ Undersecretaries at 1 Asst. Secretary, tinanggap ni Pangulong Duterte…mga bagong opisyal ng DOJ itinalaga na
May bagong ng mga opisyal ang Department of Justice o DOJ matapos tanggapin ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ng tatlong Undersecretaries at isang Assistant Secretary ng kagawaran.
Kaugnay nito, nagtalaga na si Pangulong Duterte ng mga bagong Usec at Asec ng DOJ batay na rin sa rekomendasyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ang mga ito ay sina Atty. Emmeline Aglipay-Villar, Adrian Sugay, Markk Perete at Neal Vincent Bainto.
Pinalitan nila sa pwesto sina dating Justice undersecretaries Raymund Mecate, Erickson Balmes at Reynante Orceo at dating Assistant secretary Juvy Manwong.
Mananatili naman bilang Justice undersecretaries sina Deo Marco at Antonio Kho na una na ring naghain ng kanilang courtesy resignation.
Si Atty. Villar ay nagtapos sa UP Law at asawa ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar at nanungkulan bilang DIWA partylist representative.
Si Atty Sugay naman ay naupo bilang Special Assistant in the Corporate Head ng Philippine Ports Authority.
Nagsilbi namang legal counsel sa isang malaking multinational company at nagturo sa iba-ibang unibersidad si Atty Perete bago maitalaga sa DOJ.
Senior Associate naman sa Villaraza and Angangco Law Offices si Atty Bainto bago ang appointment sa DOJ.
Ulat ni Moira Encina