Covax, kailangan pa ng dagdag na $2 bilyon sa Hunyo para sa mahihirap na mga bansa
GENEVA, Switzerland (AFP) – Inihayag ng Covax global vaccine sharing program, na nangangailangan sila ng dagdag pang dalawang bilyong dolyar na pondo sa simula ng Hunyo, upang mapalakas ang coronavirus inoculation programs sa lower-income countries.
Ayon sa pahayag ng mechanism organizers na kinabibilangan ng World Health Organization at ng Gavi alliance . . . “We need an additional $2 billion to lift coverage…up to nearly 30 percent, and we need it by June 2 to lock in supplies now so that doses can be delivered through 2021, and into early 2022.
Nakasaad pa sa pahayag . . . “If the world’s leaders rally together, the original Covax objectives—delivery of two billion doses of vaccines worldwide in 2021, and 1.8 billion doses to 92 lower-income economies by early 2022–are still well within reach. But it will require governments and the private sector to urgently unlock new sources of doses, with deliveries starting in June, and funding so we can deliver.”
Ayon sa Covax, nakapag-deliver na sila ng 70 milyong doses sa 125 mga bansa, subalit nahaharap sa kakulangan ng 190 milyon sa pagtatapos ng June dahil sa anila’y “severe impact on Covax’s supply in the second quarter of this year…(from) the terrible surge of the virus in India.”
Ang Serum Institute ng India ang pinakamalaking vaccine manufacturer sa buong mundo, na nakagagawa ng 1.5 bilyong doses kada taon bago pa man nagkaroon ng coronavirus pandemic.
Bagama’t sa huling bahagi ng 2021 ay magiging available ang mas malaking volume ng bakuna sa pamamagitan ng mga kasunduan sa ilang manufacturers, nagbabala ang mga organizer na kung hindi matutugunan ang kasalukuyang kakulangan, malaking disgrasya ang idudulot nito.
Malugod namang tinanggap ng Covax ang vaccine pledges mula sa mga bansang gaya ng France, Germany, Sweden, Italy, Spain, New Zealand at ng United Arab Emirates.
Ang Estados Unidos ay nangako na magsu-supply ng nasa 80 milyong doses–ang pinakamalaking donasyon mula sa iisang bansa–ngunit hindi binanggit kung paano ipamamahagi ang mga bakuna o kung anong mga bansa ang tatanggap nito.
@ Agence France Presse