Covax naideliver na ang kanilang one billionth Covid vaccine dose
Inihayag ng isa sa pangunahing taga suporta ng Covax, na nakagawa ng isang “key milestone” ang Covax scheme na naglalayong magkaroon ng patas na access sa Covid-19 vaccines, nang i-deliver nito noong Sabado ang kanilang “one billionth” dose.
Ang Covax facility ay itinayo noong 2020 ng World Health Organization (WHO), Gavi the Vaccine Alliance at ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovation para matiyak na makararating sa pinakamahihirap na mga bansa ang bakunang kinakailangan para malabanan ang pandemya.
Ayon kay Gavi chief executive Seth Berkley . . . “Covax has delivered its first billionth dose of Covid-19 vaccines to 144 countries & territories across the world. It’s a key milestone in the largest and most rapid global vaccine rollout in history.”
Sinabi pa ni Berkley nang lumapag ang eroplanong may karga sa one billionth dose sa Kigali, Rwanda . . . “I felt proud but also humbled knowing how far we have to go to protect everyone and solve vaccine inequity.”
Naabot ng Covax ang one billionth mark wala pang isang taon matapos i-deliver ang unang vaccine dose sa huling bahagi ng Pebrero, sa Ghana.
Lahat ng bansa ay may permiso na umorder sa pamamagitan ng mekanismo, ngunit ang mahihirap na mga bansa ay libre lamang na bibigyan ng bakuna.
Ayon pa kay Berkley . . . “I am proud that nearly 90 percent of the first billion doses Covax has delivered have been full-funded doses sent to the low and lower-middle countries.”