COVID-19 assistance ng US gov’t sa Pilipinas, umabot na sa P1.38-B
Mahigit Php1.38 billion na halaga ng tulong ngayong pandemya ang natanggap na ng Pilipinas mula sa gobyerno ng Estados Unidos.
Ayon sa US Embassy, bukod pa ito sa anti-COVID-19 vaccine support ng Amerika sa COVAX facility kung saan ang Pilipinas ang isa sa mga benepisyaryo.
Kabilang sa COVID assistance ng US sa Pilipinas ay ang donasyong 100 bagong ventilators na nagkakahalaga ng Php117 million.
Gayundin, ang Php36.8 million na PPEs sa 49 medical facilities at Php6 million na surgical masks sa DOH at LGUs.
Nag-donate din ang US ng ICU beds, isolation tents,at kama bilang bahagi ng medical treatment support.
Tumulong din ang US sa pagsanay sa mga doktor at iba pang health workers sa COVID-19 critical care management.
Nagkaloob din ng suporta ang Estados Unidos upang mapalakas ang COVID testing capacity ng Pilipinas.
Moira Encina