Covid-19 bahagyang bumuwelta sa France dahil sa paglitaw ng ‘Eris’ variant
Muling naging laman ng headlines ang Covid-19 sa kasagsagan ng summer season sa France, maging sa ilan pang mga bansa, dahil sa pagtaas sa bilang ng mga kaso.
Ang bilang ng mga dinala sa emergency rooms para sa hinihinalang Covid-19 cases ay tumaas sa average na 31 percent sa linggong kasunod ng Bayonne Festival – isa sa pinakamalaking festive gatherings sa Europe, na dinayo ng 1.3 milyong katao mula Hulyo 26 – 30, kumpara sa naunang linggo.
Ayon sa Santé publique France, isang government body sa ilalim ng pamamahala ng health ministry, 920 mga pasyente mula sa lahat ng age groups ang nakita, ngunit sinabi na ang naturang bilang ay namamalaging “moderate.” Ito ang bilang na available sa ngayon, dahil ang arawang pagsubaybay sa pandemya ay natapos na noong Hunyo 30 dahil sa “favourable epidemiological context.”
Iniulat ng French medical emergency service na SOS Medécins, ang 84 na porsiyentong pagtaas sa medical consultations para sa hinihinalang Covid-19 cases noong isang linggo kumpara sa sinundang linggo. Bagama’t pinataas nito ang alalahanin sa “lahat ng age groups,” partikular nitong apektado ang mga batang wala pang dalawang taong gulang.
Ayon sa health ministry, “The rise in incidence in mainland France is ‘localised, particularly in the southwest and essentially driven by the Nouvelle-Aquitaine region,’ and most cases are in very popular holiday regions.”
Ang pagtaas na ito sa bilang ay maaaring maipaliwanag sa paglitaw ng isang bagong EG.5.1 variant, na binigyan ng palayaw ng ilang siyentipiko na “Eris” – isang diyosa ng hindi pagkakasundo sa Greek mythology. Ang ‘newcomer’ ay idinagdag ng World Health Organization (WHO) sa talaan ng “variants of interest.”
Sinabi ni Antoine Flahault, epidemiologist at direktor ng Institute of Global Health sa Faculty of Medicine ng University of Geneva, “A new Covid-19 wave is appearing with the emergence of a new variant, which is more transmissible than its predecessors and establishing itself as the dominant variant. This is what seems to have been happening in recent weeks with the Omicron EG.5.1 sub-variant.”
Ayon naman kay Mircea Sofonea, senior lecturer in epidemiology sa University of Montpellier sa southern France, “The EG.5.1 strain is currently present in nearly 35 percent of viruses sequenced in France, according to Gisaid, an international database that shares official data on Covid-19. This figure ‘should not be taken literally’ because ‘it only takes positive tests into account’ and we have certainly not tested all infected people.”
Sinabi pa ni Sofonea, na simula nang mag-umpisa ang Omicron era, ang mga bagong variants – gaya ng Eris – ay regular na tinutukoy sa France na mas lumalaban sa antibodies.
Aniya, “These have ‘immune escape properties.’ This is nothing new. But the current upsurge in the epidemic shows that the virus is continuing to mutate.”
Sinabi ni Flahault, “The situation remains under control so far, with no strain on hospitals, particularly intensive care units. In the countries where this variant has been detected, there are no more serious forms of the disease than with previous Omicron variants.”
Dagdag pa niya, “In particular, healthcare systems are no more saturated than they were before. Furthermore, the WHO has stated that ‘the public health risk posed by EG.5 is evaluated as low’ at the global level.”
Sa kabila nito, nagbabala pa rin ang mga researcher na dapat manatiling mapagbantay ang mga gobyerno at maagang magplano upang maiiwas ang kanilang sarili sa isang naka-aalarmang sitwasyon sa susunod na ilang buwan.
Ayon kay Sofonea, “By the autumn, traffic may reach significant levels for healthcare systems. Flu and bronchiolitis epidemics can occur during this period. That’s what is so worrying.”
May ilang bilang na ng mga hakbang ang ipinanukala para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sinabi ni Flahault na siyang una at nangunang nagrekomenda ng pagsusuot ng FFP2 masks sa mga enclosed at poor ventilated areas na bukas sa publiko, “We could aim to eliminate the risk of renewed Covid-19 waves, just like the seasonal flu, by improving indoor air quality.”
Naniniwala si Flahault na namamalaging susi pa rin ang bakuna.
Aniya, “While the effectiveness of Covid-19 vaccines does seem to diminish over time, a booster vaccine in the autumn would reduce the risk of serious forms of the disease.”
Sinabi naman ng health ministry na isang bagong vaccination campaign, na ang target ay Covid-19 at flu, ang itatakda simula sa kalagitnaan ng Oktubre.