COVID-19 booster shot sa mga empleyado at menor de edad na anak ng mga empleyado sa Kamara , isinagawa
Sinimulan na rin ng Kamara de Representsntes ang rollout ng COVID-19 booster shot para sa mga menor de edad o mga kabataan na nasa 12 to 17 years old.
Ang pediatric booster shot na bahagi ng CONGVAX program ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay para sa mga bata na dependents o kaanak ng mgaKongresista, kawani at ibang nagta-trabaho sa Kamara.
Isinagawa ang pagbabakuna mula alas nueve ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon sa pamamagitan ng drive thru sa North Steel Parking Building sa Batasan Pambansa Complex.
Bakunang Pfizer ang ituturok na booster dose.
Kabilang sa eligible sa booster rollout sa Kamara ay mga batang 12 to 17 years old, non-immunocompromised o may controlled comorbidity, nakatanggap ng second dose ng primary series nang hindi bababa sa limang buwan, at naturukan ng anumang non-COVID-19 vaccine nang hindi bababa sa dalawang linggo at mga batang walang flu-like symptoms sa loob ng tatlong araw .
Available din sa CONGVAX ang first booster dose para sa mga adult, at second booster shot para naman sa mga immunocompromised adults, senior citizens at health care workers sa Kamara.
Samantala ang mga immunocompromised ay dapat na magpaturok ng booster sa ospital o iba pang itinakdang pasilidad ng Department of Health sa mga lokal na pamahalaan.
Vic Somintac