Total Covid-19 cases sa bansa, 202,361 na matapos makapagtala ng dagdag na 5,277 na mga nag-positive sa virus.
Pumalo na sa mahigit 200,000 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health, sa ngayon ay nasa 202, 361 na ang Covid-19 cases sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 5, 277 mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 3,157 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 403 new cases, Negros Occidental na may 304 new cases, Rizal na may 237 new cases at Cavite na may 228 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 1,131 na bagong gumaling mula sa Covid- 19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 133,460 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.
May 99 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 77 ay ngayong Agosto, 18 noong Hulyo, 3 noong Hunyo, at 1 noong Mayo.
Sa ngayon, umakyat na sa 3,137 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid 19.
May 80 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.
Ulat ni Madz Moratillo