COVID-19 cases posibleng pumalo ng 500k sa mid-May

Tinatayang aabot sa 500,000 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng mayo ngayong taon dahil sa maluwag na galawan at hindi pagsunod sa Minimum Public Health Standard o MPHS ng publiko.

Ayon sa Department of Health, 12% ang nabawas sa mga sumusunod sa MPHS sa Metro manila mula Marso hanggang Abril.

Babala ng mga Analyst na ang decreases sa MPHS compliance ay maaaring magdulot ng malawak kaso ng coronavirus disease.

Ang 20% decrease sa pagsunod sa MPHS sa National level ay maaaring magdulot ng 34,788 kaso habang ang 30% ay hanggang 300,000 cases.

Sa Metro manila, tinaya na ang 50-percent decrease sa MPHS compliance ay magdudulot ng 25,000 hanggang 60,000 bagong kaso kada araw dahilan para umabot sa kalahating milyon ang kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Mayo.

Ang nasabing numero ay tatlong beses mas mataas sa mga aktibong kaso sa panahon ng Omicron wave.

Please follow and like us: