Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 248, 947
Lumagpas na sa 248,000 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ngayong araw naitala sa 248, 947 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 matapos maragdag ang 3,281 mga bagong kaso.
Mula sa nasabing bilang, 58, 823 ang aktibo; 88.3% ang mild cases; 8.8% naman ang asymptomatic; 1.2% ang Severe at 1.7% ang kritikal.
Ang mga bagong naitalang kaso ay mula sa test na isinagawa ng 105 mga laboratories.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamataas na kaso nasa 1,731 bagong kaso o 53%; Region 4A (661 or 20%) at Region 3 (196 or 6%).
Samantala, umakyat naman sa 186, 058 ang bilang ng mga nakakarekober sa karamdaman matapos maragdag ang 536 na bagong mga gumaling.
Habang nasa 80 naman ang naragdag sa bilang ng mga namatay sa Covid-19 kaya nasa kabuuang 4,066 na ang death toll sa bansa.
May 17 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.
Madz Moratillo