Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 307,288
Umakyat na sa 307, 288 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y matapos maragdag ang 3,073 panibagong mga kaso ngayong araw.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 1,158 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 225 new cases, Laguna na may 203 new cases, Rizal na may 173 new cases at Batangas na may 169 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 163 na bagong gumaling mula sa Covid- 19.
Dahil dito umakyat na sa 252,665 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.
Nakapagtala naman ang DOH ng 37 na bagong nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 26 ay nasawi ngayong Setyembre, 5 noong Agosto, 4 noong Hulyo, 1 noong Mayo, at 1 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 5 381 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.
May 11 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng Covid- 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.
Madz Moratillo