Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 425,918; DOH, nakapagtala ng 1,631 bagong mga kaso
Umabot na sa 425,918 ang kabuuang bilang ng covid 19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito ay 30,047 lamang ang aktibong kaso.
May 1,631 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 116 new cases, Rizal na may 101 new cases, Davao City na may 95 new cases, Laguna na may 89 new cases, at Manila na may 65 new cases.
Mayroon namang 370 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.
Dahil rito, umabot na sa 387 616 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.
May 46 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon umabot na sa 8 255 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo