COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 482 na libo
Umabot na sa 482,083 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 23,675 lamang ang aktibong kaso.
May 1,353 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Rizal na may 63 new cases, Laguna na may na may 62 new cases, Marikina City na may 60 new cases, Quezon City na may 58 new cases at Davao City na may 54 new cases.
Mayroon namang 360 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.
Dahil rito, umabot na sa 449,052 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.
May 9 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon umabot na sa 9,356 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo