Covid-19 cases sa Maynila halos 23,000 na

Umabot na sa 22,951 COVID-19 ang naitala sa lungsod ng Maynila.

Pero ang magandang balita ayon sa Manila Health Department, ang 21,885 dito ay naka-rekober na mula sa virus. 

Mayroon namang 646 ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon sa MHD, nasa 420 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Samantala, patuloy parin ang libreng COVID-19 tests na iniaalok ng Manila LGU. 

Para sa mga mall workers , market vendors, at PUV drivers ay tuloy parin ang libreng swab testing sa kanila. 


Habang bukas pa rin ang drive-thru at walk-in serology testing centers sa lungsod hindi lamang para sa mga residente ng Maynila kundi sa taga ibang lungsod. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: