Covid-19 cases sa Maynila, nasa ‘clear’ downward trend ayon sa OCTA

pna.gov.ph

Inihayag ng OCTA Research group na ang bilang ng bagong Covid-19 cases sa Maynila ay nasa isang ‘clear’ downward trend.

Sinabi ni OCTA Research Group member Guido David, na ang seven-day average ng mga bagong kaso ay bumaba sa loob ng isang linggo sa 23% mula 2,152 ay naging 1,658.

Ang Maynila ay may 974 fresh cases nitong Martes batay sa datos mula sa Department of Health (DOH).

Ang reproduction number, o bilang ng mga indibidwal na maaaring ma-infect ng isang mayroong Covid-19, ay bumaba sa 1.50.

pna.gov.ph

Ayon kay David . . . “The downward trend in Manila is now clear. Apart from Manila, San Juan and Malabon also had negative one week growth rates. But while growth rates have slowed in NCR Plus, they are still accelerating in many HUCs outside NCR Plus.”

Ang reproduction number ng NCR ay 2.07.

Pinayuhan ni David ang mga residente na manatiling mapagbantay at sumunod sa health guidelines para mapanatili ang downward trend.

Please follow and like us: