COVID-19 cases sa OFWs, bumaba
Bumaba ang insidente ng COVID-19 infection sa hanay ng mga Overseas Filipino Worker ( OFWs ) sa ilang bansa na pangunahing destinasyon ng mga Filipino sa kanilang trabaho ayon sa Department o Labor And Employment.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, patuloy na mino-monitor ng Overseas Labor Offices ang mga OFW bilang bahagi ng “ welfare and assistance program “ para sa migrant Filipino workers sa panahon ng pandemya.
Sa ulat ng DOLE, walang COVID-19 infection na naitala mula sa hanay ng mga OFW sa Kingdom of Saudi Arabia ( KSA ), United Arab Emirates ( UAE ) maging sa mga karatig-bansa na miyembro Association of Southeast Nation ( ASEAN ) tulad Malaysia Thailand, Laos, Myanmar,Taiwan at Japan.
Sa Israel, isang bagong kaso lamang ng COVID-19 infection ang naiulat mas mababa kaysa sa tatlong kaso na napaulat noong Setyembre 30. Ang nasabing OFW ay ililipat sa isang quarantine hotel ( “ the OFW will be transferred to a quarantine hotel ” ) ayon sa ulat ng POLO sa Tel-Aviv.
Sinabi pa ni Labor Attache Rudy Gabasan, isang bagong batch ng mga Filipino ( 26 adults and 10 infants) ay nakatakdang i-repatriate. Sila ay qualified para sa Voluntary Repatriation Program ng Israel.
Sa Qatar, anim na POLO-verified COVID-19 cases kabilang ang ilang Filipino ay naidagdag sa 3,138 na OFWs na tinamaan ng coronavirus infection. . Gayuman, mas mababa ito kaysa sa 20 bagong mga kaso na naiulat noong Setyembre.
Isa pang magandang balita na iniulat ng POLO sa Germany ay mayroong 80 OFWs na COVID-19 positive ang gumaling o nakarekober na.
Sa Belgium, ang pitong namonitor na mga kaso ay gumaling na rin.
Samantala, mula sa 102 Filipinos na nagkaroon ng COVID-19 infection sa Spain, ay 85 na ang nakarekober, dalawa ang negative at anim ang nasawi. Sa France, mula sa 14 na infected ay 8 ang gumaling habang 6 ang pumanaw sa coronavirus.
Sa Portugal, ang 5 OFWs na namonitor ay gumaling na rin mula sa infection. At noong Lunes, ang 73 OFWs sa Canada na tinamaan ng COVID-19 ay pawang nakarekober na ayon sa POLO sa Toronto.
Ronald Nery