Covid-19 cases sa Spain, mahigit na sa kalahating milyon
Mahigit na sa kalahating milyon ang kaso ng Coronavirus Disease sa Spain.
Sa datos ng Health Ministry, umakyat na sa 525,549 ang kumpirmadong kaso sa bansa at pumalo na sa 29,516 ang death toll.
Pinaniniwalaang nagsimula ang ang virus transmission sa bansa sa remote island ng La Gomera.
Sa official data naman ng AFP, lumalbas na halos doble sa infecton rate ng France at Italy ang Covid-19 cases sa Spain na itinuturing ngayong isa sa mga worst-affected country.
Pinaniniwalaang ang pagtaas muli ng kaso ng Covid-19 ay iniuugnay sa pagbabalik ng nightlife at group activities sa bansa magmula nang magluwag ang bansa ng kanilang lockdown restrictions.
Sa nakalipas na dalawang linggo, nakapagtala ang bansa ng average 7,000 hanggang 8,000 bagong mga kaso kada araw kung saan pinakamarami ay mula sa Madrid region.
Mahigpit na ipinatutupad ng Spain Government ang mga health measures upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng infection lalu na sa mga paaralan at mandatory na ang pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay.