COVID-19, isa pa ring international emergency ayon sa WHO
Tatlong taon makaraang magpalabas ang World Health Organization (WHO) ng pinakamataas na antas ng pandaigdigang alerto sa COVID-19, sinabi nito na ang pandemya ay nananatiling isang international emergency.
Noong Biyernes, ang UN health agency emergency committee on Covid-19 ay nagpulong sa ika-14 na pagkakataon mula nang mag-umpisa ang krisis.
Kasunod nang nasabing pulong ay sumang-ayon si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa “inialok na payo ng komite tungkol sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic at tinukoy na ang mga kaganapan ay patuloy na lumilikha ng isang public health emergency of international concern (PHEIC).”
Ayon kay Tedros, “I acknowledges the committee’s views that the Covid-19 pandemic is probably at a transition point and appreciates the advice of the committee to navigate this transition carefully and mitigate the potential negative consequences.”
Kahit bago ang pulong, iminungkahi na ng WHO chief na hindi pa tapos ang emergency phase ng pandemya, at tinukoy ang mataas na bilang ng mga namamatay at nagbabala na ang global response sa krisis ay “nananatiling malata.”
Aniya, “As we enter the fourth year of the pandemic, we are certainly in a much better position now than we were a year ago, when the Omicron wave was at its peak, and more than 70,000 deaths were being reported to WHO each week. The weekly death rate had dropped below 10,000 in October but had been rising again since the start of December, while the lifting of Covid restrictions in China had led to a spike in deaths.”
Sinabi pa nito na sa kalagitnaan ng Enero, halos 40,000 Covid weekly deaths ang naiuulat na ang higit sa kalahati ay sa China, habang ang tunay na bilang ay tiyak na mas mataas pa.
Unang idineklara ng WHO ang tinatawag na PHEIC nang magsimulang kumalat ang noon ay kilala pa lamang sa tawag na novel coronavirus sa labas ng China noong January 30, 2020.
Bagama’t ang pagdedeklara ng isang PHEIC ang pinagkasunduan ng buong mundo na mekanismo para simulan ang global response sa outbreaks, ay saka lamang napagtanto ng maraming mga bansa ang panganib nito, nang ilarawan ni tedros na pandemya ang lumalalang sitwasyon ng Covid noong March 11, 2020.
Sa buong mundo, higit sa 752 milyong kumpirmadong kaso ng Covid-19 ang naiulat sa WHO, kabilang ang higit sa 6.8 million deaths, bagama’t laging binibigyang-diin ng United Nations health agency na ang tunay na bilang ay malamang na mas mataas pa.
© Agence France-Presse