COVID-19 laboratories sa bansa, hindi pa rin nakaka 100 % sa pagsusumite ng report sa DOH
Bagamat may mga ipinatutupad nang pagbabago sa sistema ng reporting na kailangan ng mga naiprosesong swab sample, hindi parin nakakakumpleto ng 100 porsyento ang lahat ng COVID-19 laboratories kada araw.
Sa datos ng Department of Health (DOH), Nitong linggo lamang ay kulang ng 5 hanggang 10 laboratoryo ang nakapagsumite ng kanilang report sa DOH.
Ayon sa DOH, nasa 100 na ang RT PCR at 30 GeneXpert laboratories na ang kanilang nabigyan ng lisensya.
Una ng sinabi ng DOH na ang deadline ng pagsusumite ng report ng mga COVID-19 laboratories ay tuwing 6:00 ng gabi.
Pero ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, malaki na ang naging improvement ngayon kumpara sa mga nakaraan.
Kung may mga hindi man aniya nakapagsusumiteng laboratoryo sa tamang oras ay mangilan-ngilan na lamang ito.
Isa sa mga problema sa ilang laboratoryo ay ang kakulangan ng encoders.
Paliwanag ni Vergeire, ang mga nagproseso kasi ng swab samples ang siya pang mag-eencode at gagawa ng report na isusumite sa DOH.
Sa ngayon ay patuloy ang hiring ng DOH ng mga encoder upang matulungan ang COVID-19 laboratories sa bansa.
Madz Moratillo