Covid-19 positivity rate, mas mataas na sa 5% threshold ng WHO

Patuloy na tumataas ang Covid-19 positivity rate sa bansa.

Nalagpasan na nito ang 5% threshold na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Dr. Guido David, fellow sa OCTA Research Group, umakyat sa 6.5% ang 7-day Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) hanggang noong Abril 8, 2023.

Mas mataas ito sa 4.4% na naitala noong April 1.

Pumalo din ng higit sa 5% ang positivity rate sa mga lalawigan ng Benguet, Camarines Sur, Cavite, Cebu, Davao del Sur, Isabela, Misamis Oriental, Negros Occidental, Palawan, Rizal, at South Cotabato.

Nitong Linggo, April 9, iniulat ng Department of Health (DOH) na nasa 6.9% ang nationwide positivity rate sa Pilipinas.

Nakapagtala rin ng 177 bagong kaso at 4 ang iniulat na namatay dahil sa Covid-19.

Sa tala ng DOH nasa 9,493 ang aktibong kaso ng bansa at may 282 recoveries.


Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *