COVID-19 programs iniaalok na rin sa primary care sa bansa ayon sa DOH
Kabilang na rin umano sa primary health care na ibinibigay ng gobyerno ang patungkol sa COVID- 19.
Katunayan, ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, nasa mahigit 3 libong primary care centers sa bansa ang nag-aalok na ng COVID-19 vaccines.
Una rito, tiniyak ni Vergeire, na kahit hindi na extend ang deklarasyon ng state of calamity, pwede paring magamit ang mga bakuna.
Salig sa batas, pwede pa aniyang gamitin sa loob ng isang taon ang mga bakuna na may emergency use authorization mula ng mapaso ang state of calamity declaration.
sa datos ng DOH, may higit 73.8 milyon na ang fully vaccinated sa bansa kontra COVID-19.
May 21.2 milyon naman ang may 1st booster na habang halos 3.8 milyon na ang may 2nd booster.
Madelyn Villar-Moratillo