COVID-19 travel bubble bubuksan ng New Zealand at Australia
WELLINGTON, New Zealand (AFP) – Inihayag ni Prime Minister Jacinda Ardern, na Inaprubahan na ng New Zealand ang quarantine-free travel sa Australia, na kukumpleto sa two-way corridor para sa mga byahe sa pagitan ng dalawang bansa na halos COVID-free na.
Ayon kay Ardern . . . “I can confirm that quarantine-free travel will begin in just under two weeks, at 11:59pm on April 18. I cannot see or point to any countries in the world that are maintaining a strategy of keeping their countries Covid-free whilst opening up international travel between each other.”
Ang anunsyo ay ginawa matapos kumpirmahin ng kaniyang gabinete ang petsa.
Ang travel bubble ay sinimulan matapos ang higit isang taon makaraang isara ng New Zealand ang kaniyang pinto sa harap na rin ng coronavirus pandemic.
Inilarawan ito ni Ardern bilang isang “world leading move” sa pagitan ng New Zealand, na mayroon lamang 26 COVID-19 deaths sa populasyon ng limang milyon, at Australia na wala pang isanglibo ang namatay sa kanilang 25 milyong populasyon.
Aniya . . . “That means in a way we are world leading.”
Sinabi naman ni Australia Prime Minister Scott Morrison . . . “I very much appreciate the arrangement the New Zealand government has come to today. We welcome them back as indeed Kiwis will be welcoming Aussies.”
Nitong nakalipas na linggo, ang maliit na Pacific island nation ng Palau, isa sa ilang mga bansa na hindi nagkaroon ng kaso ng COVID-19 ay nagbukas ng isang travel bubble sa virus-free Taiwan, na inilarawan ni President Surangel Whipps na isang “ray of light” na nagpapakitang ang mundo ay unti-unti nang bumabangon mula sa pandemya.
© Agence France-Presse