Covid-19 vaccination para sa mga kabataang may comorbidities, umarangkada na ngayong araw
Sinimulan na ngayong araw ang pagbabakuna sa mga batang nasa edad 12 hanggang 17 na mayroong comorbidities.
Pero kumpara sa ibang bakunahan, walang media coverage para dito.
Sa isang abiso, sinabi ng Department of Health na ito ay upang masiguro ang kaligtasan at privacy ng mga batang may karamdaman.
Batay na rin umano ito sa napagdesisyunan ng pamunuan ng mga ospital kung saan gaagwin ang pagbabakuna at ng DOH.
Ayon sa DOH, ang mga bata na ito ay may mataas na risk na mahawa ng virus kaya kailangan iwasan ang kanilang exposure sa ibang tao.
Nagpaalala naman ang DOH sa mga magulang na magpapabakuna ng anak na magdala ng medical certificate, mga dokumento na magpapatunay ng relasyon sa batang babakunahan, at valid ID ng babakunahan at magulang o guardian nito.
Madz Moratillo