COVID- 19 vaccination, patuloy na isinasagawa sa Ramon Magsaysay High School
Ala-7:00 pa lamang kaninang umaga ay nagpapasok na ng mga Manileño na magpapabakuna laban sa Covid- 19.
Isinagawa ang pagbabakuna sa mataas na paaralan ng Ramon Magsaysay sa España, Maynila, at kaalinsabay nito ang dalawa pang vaccination location sa mababang paaralan ng Lopez Jaena at Miguel Malvar.
Sakop ng pagbabakuna ang A1 priorities o medical practitioners at frontliners. Kasama rin sa babakunahan ngayong araw ang mga itinuturing na A3 priority o persons with comorbidities o mayroon ng existing condition.
Bagama’t hindi pa nararanasan sa naturang site ang pamemeke ng medical reports at reseta, mahigpit ang isinasagawang screening sa mga magpapabakuna sa gate pa lang ng nasabing paaralan, kung saan tinitiyak na kung dapat ba silamg makasama sa mga babakunahan.
Ayon kay Dra. Nancy Jasareno, lead coordinator sa isinasagawang vaccination sa Ramon Magsaysay, may nakahandang 400 Sinovac vaccines para sa mga babakunahan, at dahil limitado ang bakuna kaya iminungkahi ni Dr. Jasareno, na bisitahin ang ibang vaccination sites upang maiwasan ang pagdagsa ng tao na madalas nilang nararanasan sa nabanggit na site.
Kapag nabakunahan na, normal aniyang makaranas ng sakit ng ulo at ‘stingy’ feeling sa lugar na pinagturukan. Sinabi ng doktora na inuman lamang ito ng paracetamol.
Kung sakali naman aniya na makaranas ng severe adverse reaction ang nabakunahan, may nakahanda silang ambulansya. At kung ito naman ay maranasan na sa kani- kanilang bahay, dapat kontakin ang mga sumusunod na numero at mag- self report sa www.manilacovid19vaccine.com.
09157030621
09273510849
09610202655
09685721975
Ang second dose para sa mga nagpabakuna ngayong araw ay sa May 5, 2021.
Ulat ni Charlyn Barlaan