COVID-19 vaccination sa lungsod ng Maynila ,muling itinuloy ngayong araw
Matapos matigil ng ilang araw, tuloy na ulit ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa lungsod ng Maynila.
Ngayong araw, 18 vaccination sites ang itinalaga ng Manila LGU para sa 1st dose vaccination mula A1 hanggang A5 sa kanilang 6 na Distrito.
Bawat isang site mayroong tig 1 libong doses ng bakuna.
Para naman sa mga nakatanggap ng 1st dose ng Sinovac Vaccine noong June 2, may 4 na mall sites na itinalaga para sa kanila.
Bawat isang site may tig 1,500 doses ng bakuna maliban sa Lucky Chinatown Mall na may 1,499 doses.
Sa kabila naman ng mga kumalat na video ng palpak na pagbabakuna sa ilang vaccination site kung saan hindi naiturok o naitulak ang syringe, maraming kababayan parin natin ang dumagsa sa vaccination sites sa Maynila.
Matatandaang natigil ng ilang araw ang vaccination sa Maynila dahil sa kawalan ng Certificate of Analysis ng mga Sinovac Vaccine na dumating sa kanila.
Madz Moratillo