COVID – 19 vaccination sa Maynila suspendido ngayong araw
Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila na wala munang bakunahan kontra COVID – 19 sa lungsod ngayong araw.
Ayon sa Manila LGU, ito ay para bigyang- daan ang mga selebrasyon ng National Heroes’ Day ngayong araw.
Bukas, Agosto 30, muling itutuloy ang COVID – 19 mass vaccination sa Lungsod.
Sa datos ng Manila LGU, umabot na sa mahigit 3.5 milyong doses ng COVID – 19 vaccine ang kanilang naiturok.
Sa bilang na ito, mahigit 1.7 milyon ang mayroon ng primary doses ng bakuna, 633 libo ang may 1st booster at 72 libo ang may 2nd booster.
Nabatid na bahagyang tumaas ang covid cases sa Maynila kung saan ang aktibong kaso na ngayon sa lunsod ay umaabot na sa 225.
Madelyn Villar-Moratillo