Covid-19 vaccination sa mga guro at empleyado ng PLM, sinimulan na
Sinimulan na rin ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa hanay ng mga guro at empleyado ng Pamantasang Lungsod ng Maynila.
Maliban sa mga faculty at staff ng PLM, kasama rin sa maaaring bakunahan ay ang kanilang pamilya o dependents.
Ang pagbabakuna para sa mga taga PLM ay sinimulan kahapon, kung saan aabot sa 200 na indibidwal ang naturukan ng unang dose ng Sinovac vaccine.
Ikinatuwa naman ni PLM President Emmanuel Leyco, ang vaccine turnout sa unang bugso ng kanilang vaccination drive.
Umaasa si Leyco na mas marami pa ang magpapabakuna dahil isa ito sa mga paraan para makabalik na sa normal ang pamantasan.
Una rito, nitong Hunyo ay sinimulan na ng PLM ang limitadong face-to-face classes sa kanilang College of Medicine matapos makakuha ng clearance mula sa Commission on Higher Education.
Madz Moratillo