COVID-19 vaccination sa mga nasa edad 5 hanggang 11 anyos wala pa sa kalahati ng target na mabakunahan
Sa gitna ng full implementation ng in person classes, nananatili pa ring mababa ang vaccination coverage sa mga bata.
Sa datos ng Department of Health, sa mga nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang, 5.2 milyon pa lang ang fully vaccinated.
Katumbas ito ng 48.02% ng 10.8 milyong target sanang mabakunahan sa nasabing age group.
Kabaliktaran naman ito sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos, na naabot na ang kanilang target mabakunahan.
Ayon sa DOH, para sa nasabing age group, nasa 10.02 milyon ang fully vaccinated o higit pa sa 8.9 milyong inisyal na target mabakunahan.
Sa nasabing bilang, 1.03 milyon naman ang may booster na.
Madelyn Villar-Moratillo