COVID-19 vaccination, sisimulan na ng Algeria sa Enero
ALGIERS, Algeria (AFP) – Ilulunsad na ng Algeria ang COVID-19 vaccinations sa Enero.
Ito ang sinabi ni President Abdelmadjid Tebboune, bagamat hindi pa nakapipili ang Algeria kung aling bakuna ang gagamitin.
Ang anunsyo ay ginawa sa Twitter ni Tebboune, na nagpapagaling na sa Germany matapos mahawaan ng COVID-19 at na-ospital noong October 28.
Aniya, inatasan niya si Prime Minister Abdelaziz Djerad na agad pulungin ang mga espesyalista ng COVID-19 science committee, kaugnay ng pipilling bakuna.
Sa Algeria, ang mga taong may COVID-19 ay binibigyan ng hydroxychloroquine kasama ng iba pang treatments, sa kabila ng mga pag-aaral na nagpapakitang hindi ito epektibo.
Nitong nakalipas na linggo, ay nangako ang 75-anyos na pangulo na hanggat maaari ay agad na makabalik sa Algeria.
Ayon sa mga health official, ang Algeria ay nakapagtala na ng higit 100,000 virus cases at 2,666 na ang namatay.
© Agence France-Presse