Covid-19 vaccine ng AstraZeneca, binigyan na rin ng Emergency Use Authorization ng FDA
Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na binigyan na nila ng Emergency Use Authorization ang COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.
Ayon kay Domingo, matapos ang kanilang ginawang ebalwasyon, nakita na ang bakuna ng AstraZeneca sa unang dose ay may efficacy rate na 70%.
Wala rin aniyang nakitang adverse effects ang FDA maliban sa mild to moderate na epekto na kahalintulad ng kapag nabakunahan ng anti-flu vaccine kagaya ng pananakit ng lugar na binakunahan, sinat at pananakit ng ulo.
Ang COVID-19 vaccine ng AstraZeneca ay pewede lamang iturok sa 18-anyos pataas.
Ang pagitan ng pag-inject ng bakuna ay 4 hanggang 12 weeks.
Sa ngayon, dalawang COVID-19 vaccine na ang nabigyan ng EUA ng FDA, ito ang gawa ng Pfizer BioNTech at ang AstraZeneca.
Madz Moratillo