COVID-19 vaccine ng Novavax, higit 80% na mabisa sa adoslescents
Inihayag ng Novavax, na ang kanilang COVID-19 vaccine ay 82% na mabisa sa adolescents sa panahong ang Delta variant ang namamayani, at plano ngayon ng US biotech na magsumite para sa regulatory approval sa nabanggit na age group.
Sa isang pahayag ay sinabi ng kompanya, na ang dalawang-dose ng bakuna, na nakabatay sa mga sintetikong protina na ginagaya ang mga spike sa ibabaw ng virus, ay natagpuang ligtas at epektibo sa mahigit 2,200 kabataang may edad 12 hanggang 17 bilang bahagi ng isang yugto ng ikatlong klinikal na pagsubok na isinagawa sa US.
Ayon kay Filip Dubovsky, chief medical officer ng kompanya . . . “We are encouraged by the results in this adolescent population given the ongoing need for alternative vaccine options. We believe the Novavax vaccine could be a differentiated option for this younger population given its established protein-based technology already used in other vaccines, and the positive responses demonstrated against variants.”
Sa ngayon, ang Pfizer vaccine ang tanging awtorisadong bakuna para sa adolescents, subali’t may kaakibat na “heart inflammation risks” laluna sa mga lalaking teenagers.
Ngunit ang mga bihirang alalahanin na ito ay naging malinaw lamang nang ang bakuna ay naibigay na sa milyun-milyong tao, sa halip na sa mga klinikal na pagsubok na nilahukan lamang ng libong katao.
Ang Novavax na nakabase sa Maryland ang nanguna sa karera upang bumuo ng isang bakuna laban sa Covid, ngunit ang kumpanya ay nahirapan sa produksyon na humadlang sa awtorisasyon naman sa awtorisasyon nito.
Sa wakas ay nakapagsumite ito ng kahilingan sa mga regulator ng US sa katapusan ng Enero para gamitin ang bakuna nito sa mga nasa hustong gulang, na inaprubahan sa European Union at Britain, at naging daan para ito kilalanin ng World Health Organization.