Covid-19 vaccine ng Sinovac ng China, binigyan na rin ng EUA ng FDA
Matapos ang masusing pag-aaral binigyan na rin ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang Covid-19 vaccine ng Sinovac ng China.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, batay sa resulta ng Clinical Trial Phase 3 sa bakuna ay nasa 65.3% hanggang 91.2% ang efficacy rate nito.
Pero hindi naman inirerekomenda ng FDA na ang Sinovac Covid-19 vaccine sa mga Healthcare workers.
Sa ginawa kasing Clinical Trial sa Healthcare workers na may exposure sa Covid-19 ay 50.4% lamang ang efficacy rate nito.
Inirerekumenda lamang ito sa mga nasa edad 18 hanggang 59 anyos.
Ayon sa FDA, ang bakuna na ito ay maganda ring opsyon sa mga may allergy sa ilang sangkap na mayroon sa ibang available na Covid-19 vaccines dahil hindi ito nagtataglay ng mga kemikal na nagdudulot ng Anaphylaxis o Severe Allergic reaction.
Madz Moratillo