COVID-19 vaccine para sa mga edad 5-pababa, pinaboran ng vaccine expert
Pabor si Dr. Nina Gloriani, head ng vaccine expert panel na mabakunahan na rin kontra COVID-19 ang mga batang nasa below 5 yrs old.
Paliwanag ni Gloriani, nang mabigyan ng bakuna laban sa virus ang mga nasa edad 5 pataas, ang mga mas bata namang ang naging vulnerable sa virus.
Batay aniya sa kanilang monitoring, ilan sa mga COVID-19 vaccine na nakitaan ng magandang resulta ay ang gawa ng Pfizer at Moderna.
Ang efficacy aniya ng mga ito ay nasa 80%.
Maliban rito, sinabi ni Gloriani na inirekomenda na rin nila sa Food and Drug Administration na makasama sa mga binibigyan ng 2nd booster dose ng COVID-19 vaccine ang mga seafarer st Overseas Filipino Workers.
Kasama na rin aniya maging ang mga nasa A3 category o mga may iniinom na maintenance na gamot pero wala sa listahan ng immunocompromised.
Sang-ayon rin aniya ang VEP sa mungkahi ng Department of Health na makasama sa binibigyan ng 2nd booster ang mga nasa edad 50 pataas.
Madelyn Villar- Moratillo