COVID-19 vaccine trials sa mga bata, sinimulan na ng Pfizer
WASHINGTON, United States (AFP) — Inihayag ng Pfizer na sinimulan na nila ang clinical trials para sa kanilang COVID-19 vaccine sa mga bata na wala pang edad 11, isang maagang senyales ng susunod na stage ng global immunization campaign.
Ayon sa kompanya . . . “Together with our partner BioNTech, we have dosed the first healthy children in a global Phase 1/2/3 continuous study to further evaluate the safety, tolerability, and immunogenicity of the Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine, we are proud to start this much needed study for children and families eagerly awaiting a possible vaccine option.”
Ayon sa detalyeng nakapost sa site na clinicaltrials.gov, susubukin ng kompanya ang tatlong magkakaibang dosing levels na gagamitin sa nabanggit na age group.
Sinusubukan nan g kompanya ang bakuna sa mga batang edad 12-15, at ang kanilang US emergency authorization covers ay sakop ang mga nasa edad 16 pataas.
Sumama ang Pfizer sa Moderna at AstraZeneca, sa pagsubok sa kanilang mga bakuna sa younger children, habang plano naman ng Johnson & Johnson na sumunod na rin.
Bagamat sa pangkalahatan, ligtas ang mga bata sa malalang epekto ng sakit at hindi gaya ng adults ay malamang na hindi makapagpasa ng virus, nangyayari pa rin ang “rare cases” ng serious COVID-19 at maging ang pagkamatay sa mga bata, pati na rin ang isang post-infectious inflammatory condition na tinatawag na MIS-C.
Ang mga wala pang 18-anyos ay kumakatawan sa halos 1/5 ng populasyon ng US na 330 million, at naniniwala ang karamihan sa mga eksperto na kakailanganing gumawa ng mga hakbang para sa pagbabakuna sa mga bata upang maabot ang population level immunity.
© Agence France-Presse