COVID-19 vaccines ng Pfizer at AstraZeneca ligtas para sa mga matatanda – FDA
Nilinaw ng Food and Drug Administration na sa mga COVID- 19 vaccine na binigyan nila ng Emergency Use Authorization ay ang mga bakuna ng Pfizer BioNtech at Astrazeneca pa lamang ang gamitin para sa mga matatanda.
Pero nilinaw ni FDA Director General Eric Domingo na ang Astrazeneca vaccine hindi pwedeng gamitin sa mga “very elderly” at “very frail”.
Kasabay nito, tiniyak ni Domingo na lahat ng bakuna na kanilang inaprubahan ay epektibo at ligtas.
Batay aniya sa kanilang pag aaral, ang Pfizer vaccine na hindi pwede sa may allergy, ang Astrazeneca ay hindi pwede sa “very elderly” at “very frail”.
Habang hindi naman inirerekumenda sa healthcare workers ang bakuna ng Sinovac.
Madz Moratillo