COVID 19 vaccines supply kulang para sa halos 2 milyong healthcare workers sa bansa
Sa kabila ng pagdating pa ng COVID-19 vaccines ng Astrazeneca, aminado ang Department of Health na malaki parin ang kakulangan nito para mabakunahan ang lahat ng healthcare workers sa buong bansa.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, sa kanilang pagtaya ay nasa 1.8 milyon ang healthcare workers sa Pilipinas.
Kasama na aniya rito maging ang nasa mga komunidad sa ibat ibang rehiyon sa bansa.
Sa ngayon ay mga bakuna pa lamang ng Sinovac at Astrazeneca ang dumarating sa bansa.
Kung darating sa Mayo ang pangakong 4.5 milyong doses ng Astrazeneca vaccines mula sa Covax facility sasapat na ito para mabakunahan lahat ng healthcare workers sa bansa at masisimulan na rin ang pagbabakun sa iba pang nasa priority list ng gobyerno.
Batay sa listahan, ang sunod na prayoridad mabakunahan ay mga senior citizen na nasa edad 60.
Kumpara sa Sinovac, ang Astrazeneca vaccines ay pwede sa matatanda.
Pero ayon sa Food and Drug Administration nag- iingat lang sila sa mga nasa edad 80 pataas.
Madz Moratillo