Covid assistance ng US sa Pilipinas, umaabot na sa mahigit $50-M
Nasa $50 million o katumbas ng P2.5 bilyon ang halaga ng COVID-19 assistance ng US sa Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya.
Kabilang sa mga pinakahuling donasyon ng gobyerno ng Amerika ay personal protective equipment, testing kits, laboratory equipment and supplies, at hygiene kits.
Si U.S. Secretary of State Antony Blinken ang nanguna sa pag-turnover ng medical equipment at supplies sa Department of Health (DOH).
Ayon sa U.S. Embassy, ang mga kagamitan ay inaasahang ipagkakaloob sa Philippine Genome Center at sa Bulacan Medical Center.
Samantala, kabuuang 33.6 milyong doses ng bakuna kontra Covid ang naibigay ng Amerika sa Pilipinas.
Sinabi ni Blinken na kaisa ng Pilipinas ang US sa pagtapos sa pandemya.
Nagpasalamat naman si DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa mga technical assistance at bakuna ng Estados Unidos na nakatulong para mailigtas ang maraming buhay ng mga Pilipino mula sa sakit.
Moira Encina