COVID assistance ng US sa Pilipinas, umabot na sa halos Php 2B
Nasa Php1.9 bilyon ($39 million) na halaga ng COVID-19 assistance ang natanggap ng Pilipinas mula sa US.
Ang mga nasabing tulong ay kinabibilangan ng mga donasyong medical supplies at treatment, COVID testing, training ng mga health workers, technology at logistics support, vaccine deployment, at communication campaign.
Ilan sa mga ito ay ang mga donasyong PPEs na nagkakahalaga ng Php36.8 milyon,
100 bagong ventilators na may halagang Php117 milyon, at 420 ICU beds na Php23.87 million.
Nagsanay din ang US ng 34,000 health workers sa hospital waste management, contact tracing at supply chain management.
Gayundin, nag-train ang US ng mga doktor at nars sa COVID critical care management.
Moira Encina