COVID cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 365,000
Umabot na sa 365,799 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 46,193 lamang ang aktibong kaso.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 1,923 bagong kaso ng virus infection sa bansa.
Nanguna naman sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ang Davao City na may 99 new cases, kapwa naman may 94 new cases ang Cavite at Manila, sinundan ng Quezon City na may 92 new cases, at Negros Occidental na may 89 new cases.
May naitala namang 424 na bagong gumaling mula sa COVID-19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 312,691 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 132 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 76 rito ay nasawi noong Oktubre, 30 noong Setyembre, 9 noong Agosto, 14 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 2 noong Abril .
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6 915 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 12 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo