Covid lockdown, aalisin na ng Ireland sa October 22
Inanunsiyo ng Ireland na tuluyan na silang magbubukas sa October 22 makalipas ang 18 buwang rolling lockdowns, sanhi ng pandemya.
Ayon kay Prime Minister Michael Martin . . . “The time is now right to begin the move from regulation and widespread restrictions on people’s personal freedom, to an approach primarily defined by public health advice, personal behaviour, judgement, and responsibility.
Umaasa ang gobyerno na pagdating ng October 22 ay puwede na nilang alisin ang legal requirement para patunayan ang immunity ng isang mamamayan, para lang magkaroon ng access sa indoor at iba pang events, maging ang legal requirements sa pagsusuot ng mask kapag lalabas at pagsusuot ng mask sa indoor private settings.
Ayon pa kay Martin . . . “We’ve had to accept restrictions on our personal freedoms that would have been unthinkable just a couple of years ago. Protecting lives and public health has demanded policies which have often been frustrating.”
Dagdag pa nito, naging posible ang susunod na hakbang dahil sa matagumpay na vaccination programme ng Ireland, kung saan 90% ng adult population ay fully vaccinated na.
Subali’t nagbabala si Martin na malamang na hindi pa tuluyang mawala ang virus, at inaasahang tataas ang bilang ng mga kaso sa susunod na mga linggo.
Higit 5,000 katao ang namatay dahil sa COVID-19 sa Ireland, na mayroong nasa limang milyong populasyon.